Pages

Tuesday, August 2, 2011

Alex

"Walang hiya ka talaga!" sabay palo ni Alex sa balikat ng kasama niya. "Sira ka talaga! Paano kung malaman niya?! Edi ang laki na naman ng ulo nun!"

"Di ayan," wika ng kasama habang hinahaplos ang braso para mapawi ang sakit ng hampas ni Alex. "Wala naman akong sinabi na gusto mo siya eh."

"Anong wala! Sinabi mo na ako nalang sumama sa kanya pumunta sa Staff Room. Ano naman gagawin ko dun? Di naman ako officer?"

"Gaga. Kaya nga staff room, diba staff ka?"

"Oo pero diba officer lang allowed dun?"

"Eh sino ba kasama mo? di ba sya? Sino ba head ng student council?"

"Siya," sabi ni Alex sabay isang malakas na hampas nanaman sa braso ng kasama niya.

"Hampas ka ng hampas! Mas masahol ka pa sa nanay ko ah! Kinikilig ka lang dyan eh"

"Anong kinikilig?" Nakangiti nyang wika at pumalo nanaman sa kasama.

"Nakakailan ka na ah!" Sabay hawak sa kamay ni Alex na kumuha ng tiyempo para paluin ulet siya, hinila niya si Alex.

Natigilan sila parehas. Isang tulak nalang at uuntog na ang ilong nila sa isa't isa. Naamoy na ni Alex ang pabango ng kasama niya. Axe ata yun. Ewan. Wala siyang alam sa pabango ng mga lalaki. Ang alam lang niya ngayon ay kakaiba ang pwesto nila ngayon.

Pagkatapos ng siguro mga tatlong segundo, marahang binitiwan ng kasama ni Alex ang kanyang kamay. "Dalian mo iniintay ka na ni School Pres." ang wika niya at umiwas ng tingin.

Di makahinga ng maayos si Alex, para bang may nakabara sa lalamunan at sa baga niya, kaya tumango nalang siya at naglakad papalayo sa kasama niya.

"Alexandra!"

Lumingon siya, sa tinalikuran niya at nakita niya ang mala anghel nitong ngiti na nakakapagpangiti sa sino mang makakita nito.

"Sabi kong wag na wag mo akong tatawagin na Alexandra eh kung ayaw mong tawagin kitang..."

"Sige subukan mo!"

"... Alexander."


~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Ayaw na ayaw na magpatawag ng buong pangalan si Alexander, feeling kasi niya ang bantot pakinggan kaya "alex" nalang ang pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya. Nung nasa 2nd year high school siya tinatawag siyang "Alexander the Great" ng mga kaibigan niya dahil ang daming nagkakagusto sakanya. Hindi nalang niya ito pinansin kasi baka lumala pa kapag pinatulan. Mahilig na sumali dati si Alex sa mga extracurricular activities katulad ng Glee club, Art Club, at saka Math Club. Hindi naman siya bobo, hindi din siya sobrang talino. Sakto lang.

Unang niyang nakita si Alexandra sa Glee club, siya ung nagpiapiano. Parehas sila na second year highschool nagkakakilala pero di naman sila naguusap kasi magkaiba ang barkada nila. Pero ang di niya makakalimutan ang nangyari nung graduation nila.

Nakaupo ang section nila malapit sa entablado doon sa may aakyatan ng mga estudyanteng gragraduate. Lahat sila dadaan doon. Nauna ang section nila, umakyat siya, nilipat ung tasel ng cap niya, nakipagkamay sa principal nila habang inaabot yung diploma, humarap sa kamera na dala ng kuya niya at bumaba ng entablado.  Sumunod ung section ni Alexandra.

Nakatoga si Alexandra, katulad nilang lahat pero may kakaiba sa ayos niya ngayon. Hindi matukoy ni Alex kung ano iyon. Marahil dahil sa make up niya, o dahil siguro medyo tumangkad siya dahil sa de-takong na suot niyang sapatos. Mukhang kakabili palang niya iyon kasi ang linis at ang kintab. Tinignan pa ulet ni Alex ang mukha ni Alexandra at nakita niya ang kakaiba dito.

Laging nakangiti si Alexandra pag nakikita ni Alex, hindi man malaki ang ngiti ni Alexandra mapapansin mo parin ang ngiti sa mga mata nito. Ang mata niya ang nangungusap, pag tinitingnan ka nito, parang laging natutuwa sa iyo. Madalang niya makitang galit ito o nalulungkot, laging nakangiti o di naman natatakot. Natatakot dahil kinakabahan, yung ganon.

Si Alexandra na ang tinawag, siya na ang susunod na aakyat ng entablado. Alam na ni Alex ang kakaiba sa mukha ni Alexandra. Ito ay ang nangingilid niyang luha.

Ito ang unang pagkakataong nakita ni Alex sa mga mata ni Alexandra. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito, mula sa pagakyat niya ng entablado, sa pagngiti niya sa mga kumuha ng litrato niya, ang pagngiti niya na di umabot sa mata hanggang sa pagupo niya sa kanyang upuan kasama ang iba niyang kaklase. May kung ano mang nararamdaman siya na hindi niya maipaliwanag. Para bang gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit naluluha si Alexandra. Para bang gusto niyang protektahan ang dalaga.

Hinding hindi malilimutan ni Alex ang mga matang iyon. Iniisip ni Alex, baka naman nalulungkot lang kasi graduate na kami ng high school, o di naman, dahil mamimiss niya ang mga kaklase niya o kaya naman dahil nag away sila ng magulang niya o ng kaibigan niya. Pero di matanggal sa isip ni Alex na baka may mas malalim na dahilan ito. At tama nga siya, natuklasan niya ito nang nagkrus ang landas nila ni Alexandra.




No comments:

Post a Comment