Pages

Monday, October 10, 2011

wag nang palikihin










Maliit na butas pinapalaki, konting gusot, dumadami...


Laging ganyan ang nangyayari sa tahanang ito. Maliit na mga bagay pinagdidiskitahan. Masyadong madrama, masyadong ma-issue. Laging kailangang may kapalit ang mga ginagawa mo. Sumbatan. Laging issue ang pera.

Sa lima na kapatid ng nanay ko, ang pinakamatandang kuya lang niya ang matino. Kung titignan mo nga sa sitwasyon ngayon, nakakaawa siya dahil bread-winner ng pamilya. Ngayong nasa US siya ayan ang mga magkakapatid na iniwan niya, magulo ang buhay, lalo na ang 2 nakababatang babae.

Dati naman daw magkasundo sila, ngayon, mas masahol pa sa pusa't daga. Para silang mga dagang nagaagawan ng keso o di naman kaya, mga leon na nagaagawan sa karne. Hindi sila pwede sa isang kwarto dahil ang isa magpapasaring tapos ang mas nakakabata magdadabog, sunod niyan away na. Dahil diyan, pangalanan nalang natin silang, si Parinig at si Maingay.

Wala pa namang sakitan ang nagaganap, maliban noong isang beses...
3 pamilya kami dati sa bahay na ito. Ang pamilya ng tito ko, pamilya namin ng nanay ko na si Maingay tapos pamilya ng isa kong tita, si Parinig.

Natutulog ako noon sa kwarto ng nanay ko sa 3rd floor, nang biglang narinig kong may nahulog na bagay sa 2nd floor namin tapos may nagsisigawan. Hinding hindi ko malilimutan iyong nagsisiiyakan na kami ng mga pinsan ko dahil sa takot at dahil nadin sa galit na nakikita naming pinapakita ng mga matatandang kasama namin.

Pero bago lumalim ang kwento, sasabihin ko muna kung bakit naging si Maingay at si Parinig ang tawag natin sakanila. Si Maingay ay maingay,yong tipong maiirita ka na dahil paulet ulet na ang sinasabi niya, paulet ulet na issue na nauungkat kapag may bagong issue, paulet ulet na kakasabi mo lang kanina, uulitin nanaman. Hindi ko alam kung wala nang mapagusapan o baka may psychological disorder na katulad nung kay Drew barrymore sa 51st dates. Ewan ko ba. Maingay ang tawag natin sakanya dahil maingay talaga siya. Kapag nanunuod ng Horror o thriller o di kaya naman ng sports game, tumitili na parang nandoon lang siya sa venue. Pero MOST of the time lang yan, may mga pagkakataon naman na tahimik siya, pero madalang iyon, siguro kapag natutulog o di kaya kapag magisa lang siya, syempre naman, parang eng eng na iyon kapag kinausap niya ang sarili.

Kay Parining naman tayo. Bakit Parinig ang bansag natin sa kanya? Dahil pag nandiyan si Maingay, laging nagpaparinig si Parinig. At kapag nagparinig si Parinig, nagsisimula na ang tensyon. Hindi ko alam ang problema ni Parinig pero parang di siya makuntento sa buhay niya. Halos lahat ng binibigay niya, ineexpect niya na may kapalit. Kaya nga minsan tinatanggihan ko na mga binibigay niya eh baka kasi magexpect ng magexpect eh di naman ako ganong tao. Para sakin kasi pag nagbigay ka, dapat bukal sa kalooban mo, kung di man bukal, wag paring humingi ng kapalit. AT ayoko sa 'utang na loob' dahil diyan nagsisimulang matali ang tao. Minsan feeling ko sinusuhulan ako ni Parinig para kumampi ako sa kanya. Alam mo ung subtle na suhol? Basta ganoon.

Maiisip mong madumi utak ko, mapanghinala at taksil sa pamilya, pero iyan ang nababasa ko sa mga galaw nila. Katulad nalang kay Maingay, mabait naman siya, mapagbigay (isang kaugaliang nakuha ko sakanya), matulungin, at may takot sa Diyos, pero base sa mga sinasabi niya patungkol sa kapatid niiyang si Parinig, insecure siya. Humina siguro ang self-esteem niya nang lumubog ang pinapasukan niyang kompanya, nahirapan nang makaahon dahil sa pagintay sa separation pay at sa pagbuhay sa kaisa isang anak, ako. Malakas man ang pananalig sa Diyos pero tipikal na Katoliko na chismosa.

Si Parinig naman, katulad ng sinabi ko kanina, mukhang hindi kuntento sa buhay. Bili dito, bili doon. Kapag may bago nakikiuso maski di naman madalas na ginagamit. Nakikifit-in, ika nga. Madaling madala ng agos ng panahon, kaonting sabi lang ni ganito, eto na agad ang pananalig. Madaling maniwala pero katulad ng nanay ko mapagbigay din naman, mas bongga nga lang, kaya minsan maiisip mo na nagpapa'impress' sa iyo.

Parehas na mapagbigay ang dalawang iyan lalo na kapag may kaonting sobra sa ipon nila, pero kapag walang pera, yan ang mga araw na wag kang magpaparamdam sa kanila, kung ayaw mong masermonan. Minsan nga bigla nalang magtatatalak yan, idadamay pa nila iyong bunso nilang kapatid na babae (adopted) na madalas na pumupunta sa bahay.

Isa pang pakakapareha nila ay ang uhaw nilang matanggap ng tao, marahil bunga ito ng pagiging 'single-parent' nila, o marahil sa mganangyari noong lumalaki sila, hindi ako sigurado pero lahat naman ng tao 'di ba? Lahat naman tayo gustong matanggap ng madla. Maski ako na sinusubukang maging non-comformist, ay may hangaring magustuhan ng tao. Iba iba lang ang antas, at kung gaano natin kagusto matanggap. Sa akin kasi okay lang kung hindi, dahil may mga taong HINDI talagang matatanggap kung sino ka. May iba namang tao, tanggap ng tanggap kung sino ka na kinokonsinte ka na. May iba naman na sakto lang.

Ang puno't dulo ng istoryang ito ay... PRIDE at miscommunication. Halos lahat ng ginagawa ng isa ay binibigyang kahulugan ng isa. Masyadong nalamatan na ang relasyon sa isa't isa na kumakapal na ang pagkaharang ni Pride, pati matinong paguusap hindi na magawa. Laging kunot ang ulo kapag magkikita, nagsisiraan gamit ang mga kaibigan. Sila ay tumatandang paurong. Sila na dapat magpakita ng mabuting halimbawa sa mga anak at nakababatang henrasyon ng pamilya ay nagmistulang mga halimbawang HUWAG gayahin.





Tuesday, August 2, 2011

Alex

"Walang hiya ka talaga!" sabay palo ni Alex sa balikat ng kasama niya. "Sira ka talaga! Paano kung malaman niya?! Edi ang laki na naman ng ulo nun!"

"Di ayan," wika ng kasama habang hinahaplos ang braso para mapawi ang sakit ng hampas ni Alex. "Wala naman akong sinabi na gusto mo siya eh."

"Anong wala! Sinabi mo na ako nalang sumama sa kanya pumunta sa Staff Room. Ano naman gagawin ko dun? Di naman ako officer?"

"Gaga. Kaya nga staff room, diba staff ka?"

"Oo pero diba officer lang allowed dun?"

"Eh sino ba kasama mo? di ba sya? Sino ba head ng student council?"

"Siya," sabi ni Alex sabay isang malakas na hampas nanaman sa braso ng kasama niya.

"Hampas ka ng hampas! Mas masahol ka pa sa nanay ko ah! Kinikilig ka lang dyan eh"

"Anong kinikilig?" Nakangiti nyang wika at pumalo nanaman sa kasama.

"Nakakailan ka na ah!" Sabay hawak sa kamay ni Alex na kumuha ng tiyempo para paluin ulet siya, hinila niya si Alex.

Natigilan sila parehas. Isang tulak nalang at uuntog na ang ilong nila sa isa't isa. Naamoy na ni Alex ang pabango ng kasama niya. Axe ata yun. Ewan. Wala siyang alam sa pabango ng mga lalaki. Ang alam lang niya ngayon ay kakaiba ang pwesto nila ngayon.

Pagkatapos ng siguro mga tatlong segundo, marahang binitiwan ng kasama ni Alex ang kanyang kamay. "Dalian mo iniintay ka na ni School Pres." ang wika niya at umiwas ng tingin.

Di makahinga ng maayos si Alex, para bang may nakabara sa lalamunan at sa baga niya, kaya tumango nalang siya at naglakad papalayo sa kasama niya.

"Alexandra!"

Lumingon siya, sa tinalikuran niya at nakita niya ang mala anghel nitong ngiti na nakakapagpangiti sa sino mang makakita nito.

"Sabi kong wag na wag mo akong tatawagin na Alexandra eh kung ayaw mong tawagin kitang..."

"Sige subukan mo!"

"... Alexander."


~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Ayaw na ayaw na magpatawag ng buong pangalan si Alexander, feeling kasi niya ang bantot pakinggan kaya "alex" nalang ang pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya. Nung nasa 2nd year high school siya tinatawag siyang "Alexander the Great" ng mga kaibigan niya dahil ang daming nagkakagusto sakanya. Hindi nalang niya ito pinansin kasi baka lumala pa kapag pinatulan. Mahilig na sumali dati si Alex sa mga extracurricular activities katulad ng Glee club, Art Club, at saka Math Club. Hindi naman siya bobo, hindi din siya sobrang talino. Sakto lang.

Unang niyang nakita si Alexandra sa Glee club, siya ung nagpiapiano. Parehas sila na second year highschool nagkakakilala pero di naman sila naguusap kasi magkaiba ang barkada nila. Pero ang di niya makakalimutan ang nangyari nung graduation nila.

Nakaupo ang section nila malapit sa entablado doon sa may aakyatan ng mga estudyanteng gragraduate. Lahat sila dadaan doon. Nauna ang section nila, umakyat siya, nilipat ung tasel ng cap niya, nakipagkamay sa principal nila habang inaabot yung diploma, humarap sa kamera na dala ng kuya niya at bumaba ng entablado.  Sumunod ung section ni Alexandra.

Nakatoga si Alexandra, katulad nilang lahat pero may kakaiba sa ayos niya ngayon. Hindi matukoy ni Alex kung ano iyon. Marahil dahil sa make up niya, o dahil siguro medyo tumangkad siya dahil sa de-takong na suot niyang sapatos. Mukhang kakabili palang niya iyon kasi ang linis at ang kintab. Tinignan pa ulet ni Alex ang mukha ni Alexandra at nakita niya ang kakaiba dito.

Laging nakangiti si Alexandra pag nakikita ni Alex, hindi man malaki ang ngiti ni Alexandra mapapansin mo parin ang ngiti sa mga mata nito. Ang mata niya ang nangungusap, pag tinitingnan ka nito, parang laging natutuwa sa iyo. Madalang niya makitang galit ito o nalulungkot, laging nakangiti o di naman natatakot. Natatakot dahil kinakabahan, yung ganon.

Si Alexandra na ang tinawag, siya na ang susunod na aakyat ng entablado. Alam na ni Alex ang kakaiba sa mukha ni Alexandra. Ito ay ang nangingilid niyang luha.

Ito ang unang pagkakataong nakita ni Alex sa mga mata ni Alexandra. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito, mula sa pagakyat niya ng entablado, sa pagngiti niya sa mga kumuha ng litrato niya, ang pagngiti niya na di umabot sa mata hanggang sa pagupo niya sa kanyang upuan kasama ang iba niyang kaklase. May kung ano mang nararamdaman siya na hindi niya maipaliwanag. Para bang gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit naluluha si Alexandra. Para bang gusto niyang protektahan ang dalaga.

Hinding hindi malilimutan ni Alex ang mga matang iyon. Iniisip ni Alex, baka naman nalulungkot lang kasi graduate na kami ng high school, o di naman, dahil mamimiss niya ang mga kaklase niya o kaya naman dahil nag away sila ng magulang niya o ng kaibigan niya. Pero di matanggal sa isip ni Alex na baka may mas malalim na dahilan ito. At tama nga siya, natuklasan niya ito nang nagkrus ang landas nila ni Alexandra.




Tuesday, July 12, 2011

Introduction

This blog was made because of the author's thirst to write fiction. She will be attempting different genres but mostly of romance. Reviews and comments are always welcomed. 

Happy Reading! 

~apoch